Titigil ka lang.

Nag aral ako ngayon kahit nag stop ako. Bakit?kasi alam ko kung paano kababa ang tingin ng ibang tao sa mga hindi nakatapos. Kung paano nila duruin o maliitin yung kayang gawin ng mga hindi nakatanggap ng diploma o nakasuot ng itim na toga o kahit pa nakaakyat sa stage with flying honors.
Nakakalungkot malaman. Na masyadong mapang mata ang lipunan. Hindi ka rerespetuhin kung di mo pa ka lebel ang lebel ng mga achievements nila. Hanggang di mo pa nararanasan ang buhay nila.

Nag aral ako. Dahil ayokong habang buhay malugmok. Sa lipunang puno ng panghuhusga. Sa lipunang hindi ka ituturing na tao hanggat hindi mo kaya ang kaya nila. Nag aral ako di para sa ibang tao. Kundi para sa sarili ko.

Upang malaman ko ang kaibahan ng taong may pinag aralan sa taong di nakapagtapos.

Malapit na kong magtapos hanggang sa mapagtanto ko, mas matalino pa pala ang mga taong kayang linisin ang kalat ng iba. Ang mga taong magdamag sa initan magka kita lang para sa pangkain nila. Ang mga taong simple pero masaya.

Pangako ko sa sarili ko. Na aalalahanin ko ang mga araw na naghihikahos ang pamilya namin. Mga gabi na wala kaming makain. O mga pagkakataong halos wala akong pang tuition. Mga tanghaling titiisin upang matapos ang mga subjects na kailangang pasukan. Mga pagkakataong, tumigil ako.

Balik tayo sa pagtigil ko.

Tumuloy ako, upang makapagtapos.
Hindi para tumaas. Hindi para ibaba ang lebel ng ibang tao. Hindi para makalimutan ang salitang respeto.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s