L E T R A K O


I was looking forward for what will I become someday. I can be a pilot. 😂joke. Comm yung course ko ehh.
Someday I want to be an architect.

Pero someday I want to be a writer. Medyo pasok pero kulang pa. Alam kong

Kulang pa. ☺

Kulang pa ang tintang naubos o papel na kinusot. Ang mga ballpen na natapos na sa kanilang misyon. Ang mga papel na naluma na sa ngayon.

Masaya magsulat. Ito ang buhay ko.
Dito ako huhugot ng lakas. Di ako magaling sa mga seryosong sulatin pero seryoso ko sa pangarap ko. Gusto ko yung maabot. Sana. Sana.

Minsan di ko na lang maisip paano na ako kung ako naman ang mawalan ng papel sa mundo? O maubos ang tinta ng dumudugtong sa buhay ko? Masasambit ko pa kaya ang mga salitang ito?

Gusto kong maging iba sa kanila. Gusto kong maging orihinal ang buhay na sinusulat ko. Ang daan na nilalakaran ko o ang pangarap na inaabot ko. Gusto kong maging iba sa naiiba. Lalim no? Pero eto ako.

Baliw sa mga letra.
Naniniwala akong ang mundong ito ay nais lamang marinig ang mga salitang maganda sa kanilang pandinig. Ngunit di nila nakikita na mas masaya ang maging iba.

Weird na ba?😂

Sorna.

Maturity

Titus: 2. 7. In everything set them an example by doing what is good. In your teaching show integrity, seriousness – Bible Offline
————*
In everything. Masakit mang isipin, you need to be matured. Ohh my bat ba ko nasasaktan?xD kase naman ehh ang sayang maging bata. Di ko naranasan yun. Kasi naman, lagi ko na lang kaharap nung bata ako ay abakada. Next day, abakada sa maliit na blackboard na binili ni mama. Tapos pag day off niya na, ikukulong ako sa kwarto, magdodrawing at magbabasa. Puro aral. Azar. Joke😅

Kalurki pero ganun talaga at lumaki akong ganun. Pero ngayong college more on practical na. Skills na ang labanan di na bastang utak lang. Haha.
Pero back to maturity? Pano ba maging tunay na matured? Ang pagiging matured daw di daw yan sa edad dahil ang iba nga, matanda na, takot pa ring mag take risk. Haha. Seriously. Pero I need to be matured. Yihhhhh. Alisin ang mga bagay na alam mong bata ang ang gumagawa. ( hindi naman dahil isip bata ako) di lang talaga ko mahilig magseryoso ng mga gingwa ko. Gusto ko kasing ienjoy lang ang lahat.

Kaya this time I will try my best. 😄
My very very very best. Wish me luck.
Haha.

Show integrity and seriousness. Maybe that will be my pattern. Yan devotion ko ngayon ehh kaya I will do my best to obey. Shocks magbebente na ko di pa ba ko magseseryoso?

MEDIA

Media. Minsan totoo minsan hindi. Minsan tama minsan mali. Minsan OA.
Isa ang pamilya ko sa mga biktima ng

media

Hindi ko akalaing sa simpleng report ng reporter na yun ay ganun kabilis lang masisira ang buhay namin. Na halos mabaon kami sa utang at muntik na kaming huminto sa pag aaral. Hindi ko makuha kung bakit kailangan pang magbalita ng lihis naman sa katotohanan. I’m a COMM student at alam ko ang code of ethics ng journalism. Nakakairita na kailangan pang dagdagan at bawasan ang katotohanan. Tanong ko lang para ba yan sa balita o dahil gusto niyo lang kumita. ?

Nakakaiyak isipin na kayang sumira ng buhay ang media. Na kaya nilang ibahin ang takbo ng pagtingin natin sa ibang tao. At naaatim nilang sirain ang buhay ng pamilya na walang ginawa sa kanila.

THEY DONT FIGHT FOR THE RIGHT NEWS. THEY WERE FIGHTING FOR THE BEST BEAT.

kaloka. Sa kanila kaya gawin yun? Yung ipabalita sa buong mundo na ganun yung nangyari pero di naman buo yung binalita. Okay lng naman ibalita kasi aksidente yun. Pero yung ipamumukha niyong siya lang ang may kasalanan without saying the truth behind the facts?. C’mon. Hindi ka professional.

Truth is a formidable enemy. 

At alam kong kahit ilang beses pa kong magalit o gaano katindi ang pagpindot ko ngayon sa cellphone ko, di niyo na matatama ang mali. Di niyo na mababalik ang mga panahong halos di kami makatulog. Mga pagkataong sinisisi lahat samin. Mga perang naubos o utang na kailangang bayaran. Isa lang masasabi ko.

Hindi mo ko maiintindihan hanggat di mo nararansan kung gaano kasama ang ginawa nila. Kaya pagdating ng panahon, maging parte man ako ng media, di ako magiging hipokritang gagawa ng balita para sa career ko o masabi lang na may balita ako.

Depression(bow)

Depression. Ang daling sabihin pero mahirap maranasan yung ganyang sitwasyon. 😅. Sa totoo lang nakaka tuyo na lang ng utak hanggang sa feeling mo susuko ka na. Para kang kandilang unti unting nauupos.

Yung bigla ka na lang iiyak ng walang dahilan.

Nakakaloka. Nakakapuno. Parang wala ng solusyon ang lahat ng bagay. Na maiisip mo na lang na malungkot ka pero wala namang dahilan. Di dahil madrama ka o pabebe ka lang. Nararanasan yun dahil wala kang makausap sa problema o anuman na gumugulo sa isip mo. Para kang hinu hunting ng sarili mo. Sobrang gulo.

Pero  natapos din yun😅

Nung naalala kong may kaya pa palang makinig sakin. Akala ko nag iisa na lang ako. Pero mali ako. Dahil bawat gabi na tutulo na lang yung luha mo, npapakinggan niya ako. Kabisado niya ako. Si Lord lang yung kayang magpuno ng emptiness sa puso mo at kayang pahupain ang bagyo sa isipan mo

Hindi niya nkakalimutang kunin yung bigat na nararamdaman mo. Minsan hinahayaan niya tayo hanggang sa mawala yung mentalidad na kaya mong mag isa.

Hindi mo kayang mag isa. Tandaan mo yan. Akala mo lang kaya mo na. Bakit? Dahil sa matalino ka? Kaya mong solusyonan ang x and y ng algebra? O dahil sobrang matapang ka sa tingin ng iba.

Never hide the true person inside you. You never know how many people are waiting for you to remove that mask.

Smile. Cheer up young man. God loves you. Unconditionally❤💘✊✌

Titigil ka lang.

Nag aral ako ngayon kahit nag stop ako. Bakit?kasi alam ko kung paano kababa ang tingin ng ibang tao sa mga hindi nakatapos. Kung paano nila duruin o maliitin yung kayang gawin ng mga hindi nakatanggap ng diploma o nakasuot ng itim na toga o kahit pa nakaakyat sa stage with flying honors.
Nakakalungkot malaman. Na masyadong mapang mata ang lipunan. Hindi ka rerespetuhin kung di mo pa ka lebel ang lebel ng mga achievements nila. Hanggang di mo pa nararanasan ang buhay nila.

Nag aral ako. Dahil ayokong habang buhay malugmok. Sa lipunang puno ng panghuhusga. Sa lipunang hindi ka ituturing na tao hanggat hindi mo kaya ang kaya nila. Nag aral ako di para sa ibang tao. Kundi para sa sarili ko.

Upang malaman ko ang kaibahan ng taong may pinag aralan sa taong di nakapagtapos.

Malapit na kong magtapos hanggang sa mapagtanto ko, mas matalino pa pala ang mga taong kayang linisin ang kalat ng iba. Ang mga taong magdamag sa initan magka kita lang para sa pangkain nila. Ang mga taong simple pero masaya.

Pangako ko sa sarili ko. Na aalalahanin ko ang mga araw na naghihikahos ang pamilya namin. Mga gabi na wala kaming makain. O mga pagkakataong halos wala akong pang tuition. Mga tanghaling titiisin upang matapos ang mga subjects na kailangang pasukan. Mga pagkakataong, tumigil ako.

Balik tayo sa pagtigil ko.

Tumuloy ako, upang makapagtapos.
Hindi para tumaas. Hindi para ibaba ang lebel ng ibang tao. Hindi para makalimutan ang salitang respeto.

Pixelated

Your journey is not the same with the journey of other folks. Lol😅

Minsan we tend to compare ourself to the most beautiful girl in the magazine. From the most skinny and sexy celebrity that you’re watching in television. But the truth is, everything you idolized were filtered. You imitate their style, hair color and their ways of life.

How long will you wear that mask? The mask that hides the true self that was being imprisoned for decades.

Are you really happy? 

Those eyes were not the eyes you have when you’re a child. Because you see things now based on what the world defines beauty. Ripped that off.

You are uniquely made full of originality. 

Thank you self. 😀

Empty thoughts


Scattered words, empty thoughts seems to pour in my heart. I’d never felt this torn before. Seems don’t know where to start. But it’s now that I see your grace fall like rain. From every fingertip washing away my pain.

-Jeremy Camp-

Yung kantang yan na lang yung pinanghahawakan ko. Nkaka overwhelmed kasi yung message niyan. Tagos to the bones. Everytime na kinakanta ko yan, nabobroken ako. Bakit? Kasi yun yung gusto ko. Yung broken and contrite heart. Para maramdaman ko yung nararamdaman ng iba. Para hindi ako maging sensitive sa iba. At para mabago yung perspective ko sa buhay. Nakakatuwa lang. Kasi I’m a kind of person,

Who will choose to be alone than being with people. 

Di naman ako weird, minsan lang😂. Masaya kong kahit minsan corny ako mag joke, may tumatawa may ngumingiti. Pero alam mo, alam kong di mo pa alam, pero introvert ako. Di dahil sa I’m ant-social. I just enjoy spending time with my self.

I have to be talkative, to be communicative. Lagi na lang nilang sinasabing magbago ako.

Hindi nila alam na hindi lang naman sa pagiging madaldal ang pagiging comm student. I wanted to be a writer but it seems like,because of many things that hinder me, sometimes I doubt.

Kaloka ang drama ko. Sapakin niyo ko😂. Haha. Actually my professor in ethics told me to shift course dahil di daw bagay sakin maging comm. Kasi tahimik? Haha. Nginitian ko n lang. Bakit para lang ba ang pagiging comm sa mga maiingay at wala namang maisagot sa exam. ? Sorry for being defensive. Binaliktad ko lang yung sinabi niya. Kasi if you’re a comm student and know how to communicate, so what? If you don’t have the knowledge about the facts, what can you contribute to the society.

Everyone could speak but do you have something to prove?

Being a comm student?
I’d rather choose  not to belong to what they so called” society of the mouth”.

Irregular ( echusme)

How long does it take? For you to determine that you’re absolutely not a mistake. Struggles, persecutions and circumstances in life. I’d already faced those things before. Sadly, I need to experience it again to be strenghten.
   College life? Lahat na ata ng klaseng struggle naranasan ko. Oo irreg ako. At  sobrang hirap na gigising ka ng umaga na ikaw lagi ang mag aadjust sa ibang tao kasi ikaw ang dapat marunong makisama. Yung kailangan kahit isa may maka close ka sa section nila para kahit man lang may assignments informed ka. Minsan pa nga, nauuna sila mag exam dahil nga sa may sarili silang mundo. Block section sila kaya they were united as one, leaving others behind. Sadlayp😂.

Nakakaburyo. 😂

Kailan ba ko makakapagtapos? Actually next next year pa. Haha. Yung dalawa kong subjects may pre requisite. At dalawang subject na lang ang matitira di pa ko gagraduate. Ang saya diba?. Well nakahiwalay lang naman ako ng lecture sa thesis. Ohh c’mon. Hiwalay na ko sa lahat.

Hindi niyo alam kung gaano kasakit na lagi ka na lang magmamakaawa sa faculty kasi yung subjects mo di mo makuha or even sa pag petition ng buong araw na ang kaharap mo ay yung katotohanang irreg ka lang.

Mga projects, na hindi ka sinasama kaya mag isa kang gagawa dahil sa selfish sila. Joke. Di lang talaga ko makakasama. Haha isama mo pa yung mga di natulong na ka group.
I love my life. Ohh my. 😂

Pero kahit ganun,

at the end of the day, gagraduate din ako.

At hindi ko hahayaang maranasan ng mga kapatid ko yung mga naranasan ko. Kasi ilang gabi at araw na lumuha ako. 😂 ano ka. Di kaya ako iyakin. Luha lang po di naman hagulgol. Ok masyado na kong defensive. Haha

Kaya ikaw wag ka titigil sa pag aaral kung ayaw mong matulad sakin. Choss.
Haha. Gagraduate din ako☺naniniwala ako.

-dithdiridithdith

From a Tiny Acorn

You are not born to be an option. You are a choice. Remember that no mountains can’t be moved by the God who truly can do great miracles.

You just have to believe. Minsan nga lang may doubt na unti unting nagpapahina satin para di maniwala. Para kumawala dun sa pangako na pinanghawakan natin.

Don’t give up

Greater things are coming, medyo malabo pa pero alam niya yung plano Niya. Kesa sa plano nating masyadong self centered. Gusto ko yumaman, magkakotse, magka bahay, makapagtrabaho sa malaking kumpanya. Hahaha. Pero yun yung totoo. Ganun din kase ako.

Hanggang isang araw tinapik ako ni Lord at tinanong. Uy, ano yang pinaplano mo? Kasama ba ko ?

Nakakaloka, bakit ko nakalimutang isama yung nagturo sakin mangarap at maging matatag?.

I know exactly how dream works.
If you’ve already accomplished what you wanted , and never felt  so good about it, then you took the wrong path. You get what you want. But will never find happiness at all.

I want to be one of a kind. Not dreaming their dreams. Imitating no one but the transcript of my own life.

Shaket( Shake-it)

Ang sakit isipin na ganito sila. Na nakikita lang nila yung pagkakamali mo. Wala silang makitang tama na ginawa mo. Lahat mali.

Nakakasawa ng ipagsiksikan yung sarili mo kung di ka “ka lebel” ng mga taong alam mong mataas at may mga mataas na ranggo na sa buhay nila.

I feel useless. Di dahil sa wala akong ginawa kundi dahil iniisip nilang kaya ko ng gawin ang pitong taon na nilang kayang gawin. Nagkakamali ako at masaya kong tinatama ako. Pero mababaw ang luha ko kung pati pagkatao ko, naapakan. Nakakaabala na ba ko? Sorna. Pero kahit ganun I still need to submit to the authorities. Pinapatatag lang ako ng mura, ng masasakit na salita.

Cheer up young man.

You are not alone. Lahat tayo dadaan sa furnishing. Parang gold, dumadaan muna sa apoy. Smile:mrgreen:.

Thanks God it’s friday.😅